Teoryang Queer
Girl, Boy, Bakla, Tomboy
Natutunan:
Sa kwentong ito ay mahihinuha mo ang
mga totoong nangyayari ngayon sa ating lipunan. Kung saan laganap na rito ang
tinatawag nating diskriminasyon lalung-lalo na sa mga homosexuals. Mahalagang respetuhin ang kapwa. Huawag gawing basihan
ang pisikal na anyo tingnan ang nasa kalooban ng tao. Ang lahat ay sadyang
pantay-pantay lang. dahil ang bawat isa ay mayroong karapatan. Ang akdang ito
ay napabilang sa teoryang queer. Layunin ng panitikang ito na isulong ang
pagkakapantay-pantay ng karapatan at labanan ang diskriminasyon sa mga LGBT o
yung mga napabilang sa ikatlong kasarian tulad ng bakla at tomboy.
Reaksyon:
Sa akdang ito, masasabi kong
napakaganda. Dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga homosexuals na sila’y mabigyang pansin. Para naman na maipabatid sa
lahat na dapat ay pantay-pantay lang. Sa
kabila ng pagkakaiba ng kasarian o maski sa pinipiling buhay at tinatahak na
landas. Dahil para sa
akin, kahit ano ka pa basta wala ka lang tinatapakang tao. Ikaw ay nararapat na bigyang karapatan at maging
pantay ang pagtingin sayo sa lipunang iyong kinabibilangan.
Teoryang Klasisismo
Ang Tondo Man May Langit
Ni: Andres Cristobal Cruz
Natutunan:
Natutunan ko sa kwentong ito ang mga
salitang pagtatalusirang na ang ibig
sabihin ay pagsira o ang hindi pagtupad sa pangako. Kasiphayuan na ang ibig sabihin naman ay pagtrato nang may
pang-aalipusta at pang-aapi. Paguulyaw na
nangangahulugang alingawngaw, pag-ulit ng tunog bunga ng pagtalbog ng tunog.
Ang kwentong ito ay napapatungkol sa dalawang nagiibigan subalit magkaiba ang
kanilang estado sa buhay. Ipinakita ditto ang pag-ibig na ipinaglalaban ng
dalawang nagmamahalan sa kabila ng mga hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ang
akdang ito ay napabilang sa teoryang klasisismo na ang layunin ng panitikan na
ito ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buahay ng dalawang nagiibigan.
Reaksyon:
Mula sa kwento ay masasabing ang mga
pangyayaring ito ay nangyayari rin sa totoong buhay. Kagaya nga lamang ng
dalawang nagiibigan subalit mayroong mga balakid o hadlang sa kanilang
namumuong pagmamahalan. Dahil
sa magkaiba ang kanilang pinanggalingan o ang kanilang estado sa buhay. Tama
lang na mapabilang ang akadang ito sa teoryang klasisimo dahil pinag-uusapan
dito ang estado sa buhay ng dalawang nagmamahalan. Para sa akin, napakaganda ng
kwentong ito na napabilang sa teoryang klasisismo.
Teoryang Naturalismo
Walang Panginoon
Ni : Deogracias Rosario
Natutunan :
Napag-alaman ko sa akdang ito na ang
kahulugan ng salitang animas ay tunog ng kampana. Ang salitang ningas ay nangangahulugang alab-apoy.
Habang ang nagsimpan naman ay nanganagahulugang umamin. Panghuli, ang salitang
batingaw na ang ibig sabihin ay kampana. Isa rin sa natutunan ko sa akdang ito
na dapat huwag ipasakamay natin ang batas. Dahil kahit kalian hindi maganda ang
maghiganti sa taong nagkasala sayo. Mahalaga ring maging pantay ang pagtingin
mo sa lahat kahit mahirap man o mayaman. Ang akdang ito ay napabilang sa
teoryang naturalismo na nagtataglay ng pinakamasidhing katangian ng teoryang
realismo.
Reaksyon:
Ang akdang “Walang Panginoon” ni
Deogracias Rosario ay maituturing kong napabilang nga talaga ito sa teoryang
naturalism. Dahil sa ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga
damdamin. Mula sa kwento masasalamin natin ang maraming bagay kagaya ng
pag-ibig, pagkapoot at maging hindi pantay na pagtingin sa kapwa. Hindi rin
maganda ang ipinakitang pag-uugali ng tauhan na si Don Teong na siya ang
nagging dahilan sa pagkamatay ng kanyang anak na si Anita na iniibig ni Marcos.
Subalit hindi rin maganda
ang ginawang paghihiganti ni Marcos ito ay sana’y ipinaubaya nalang niya ang
lahat sa Diyos.
Teoryang Arkitaypal
Gapo
Ni : Lualhati Baustista
Natutunan :
Ang salitang "Gapo" ay nagmula sa pinaliit
na salitang Olonggapo. Isa sa mga salitang natutunan ko rito ay ang salitang yardbird na nangangahulugang patay-gutom.
Ito ang tawag ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino noon. Sa kwentong ito
ipinapahiwatig dito na dapat kahit sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kulay o lahi
ng bawat isa ay nararapat paring respetuhin ang isang tao. Hindi porket siya ay
naiiba sa kulay mo. Pero masasabi ko ring kahit pa anong kasalanan o ang
pagkakasala sayo ng isang tao. Dapat
pa rin ay hindi tayo pumatay o kumitil ng buhay sa kabila ng atig matinding
galit. Ang kwentong ito ay napabilang sa teoryang arkitaypal. Ang layunin ng
panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ang lahat ng simbolismo ay naayon sa tema at konseptong ipinapakilala
ng may-akda sa mga mambabasa.
Reaksyon:
Napagtanto ko sa akdang ito na dapat
iwasan ang diskriminasyon sa bawat lahi. Dahil ipinapakita sa akda na parang
minamaliit lamang ng mga putting lahi ang mga taong kayumanggi. Para naman sa
katauhan ni Magda ay dapat hindi siya kumakapit sa patalim para maging isang
babaeng bayaran lang. Dahil kung tutuusin maraming posibleng paraan kung ating
talagang gugustuhin. Kung ayaw may dahilan, kung gusto parating mayroong
paraan. Sa kwentong ito, hindi ko nagustuhan ang pag-uugali ng mga sundalong
Amerikano na kanilang ipinakita sa mga Pilipino. Maging sa pag-uugali ni Magda
hindi ko rin ito nagustuhan at sa mga ipinakita ng mga Amerikano noon ako ay
parang nalungkot para sa mga Pilipinong nakaranas ng ganoong pang-aapi mula sa
mga dayuhan.
Teoryang Formalistko
Sandaang Damit
Ni : Fanny A. Garcia
Natutunan:
Ang kwentong ito ay napapatungkol sa
batang mayroong sandaang damit pero ang lahat ng iyon ay pawang mga larawan o
iginuhit lamang pala. Mula sa kwento makakapulot ka ng maraming aral. Kagaya na
lamang ng hindi maganda ang panunukso sa kapwa dahil nakakasakit ito sa iba.
Hindi natin alam nab aka sila ay naaapektuhan na pala. Huwag ding
magsinungaling dahil kahit kalian hindi ito maganda. Kahit anong estado natin
sa buhay matuto tayong makontento at tanggapin kung anong mayroon tayo. Sa madaling salita, magpakatutuo ka sa sarili mo. Ang
akdang ito ay napabilang sa teoryang formalistiko dahil ang layunin ng
panitikan na iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit ng malalimang pagsusuri’t pag-unawa.
Reaksyon:
Ang masasabi ko sa akdang ito na ang
lahat nga ng mga pangyayari ay naayon sa teoryang formalistiko. Dahil pormal o
diretsong inilahad ng may akda ang mga pangyayari o ang bawat nagaganap sa
kwento. Batay naman sa kwento, ito ay sadyang mapupulutan mo talaga ng mga
magagandang-aral. Ang kwentong ito ay hindi lamang para sa mga bata dahil tila
isa itong kwentong pambata na pinagbibidahan ng isang batang tauhan. Ito rin ay
maaring para sa mga nakakanda dahil ito naghahatid ng isang magandang-aral para
sa mga mambabasa. Ito ay nagpapakita ng isang asal ng isang batang naapektuhan
dahil sa kanyang mga kaklase o sa mga tao sa kanyang paligid at naging dahilan
kung bakit siya nagsinungaling. Masasabi kong ang akdang ito ay napakandang
kunan ng mga aral na ipabatid o ituro sa mga bata at maging mga nakakatanda.
Teoryang Humanismo
Paalam sa Pagkabata
Ni : Nazareno D. Bas
Natutunan :
Ito ay napapatungkol sa batang
maraming katanungan sa buhay. Kagaya na lamang ng kanyang mga nakikita at
nararanasan sa sariling buhay. Ang
bata rin sa kwento ay sadyang hindi trinato ng maayos ng kanyang kinikilalang
ama. Dahil anak
lamang siya sa labas o ng kanyang ina sa ibang lalaki. Mula rin sa kwento, dapat maging tapat ka sa inyong
asawa at maging maingat para hindi ka magkasala. Huwag ding saktan ang iyong
kabiyak sa buhay o ang iyong asawa. Ang kwentong ito ay napapabilang sa
teoryang humanismo na napapatungkol sa pagbibigay halaga sa dignidad ng tao.
Reaksyon:
Batay sa mga pangyayari sa kwento
masasalamin natin sa totoong buhay na may mga kabataan ding hindi trinato ng
maayos ng kanilang mga magulang. Sapagkat, sila lamang ay anak sa labas. Kagaya
na lamang ng nasa kwento ito ay bunga ng pagkakasala at pagkakamali ng kanyang
ina. Pero sa totoo lang, kahit anong pagkakasala pa ng tao sayo. Dapat matuto
tayong magpatawad at tanggapin ang katotohanan kahit minsan masakit. Masasabi
kong sa kwento ay nagkasala nga naman ang asawa pero dapat siya ay mapatawad
din ng kanyang asawa at dapat hindi rin inilihim ng ina sa kanyang anak ang
katotohanan o mga totoong pangyayari.
Teoryang Ekspresyonismo
Caregiver
Ni : Chito S. Ronio
Natutunan:
Ang kwentong ito ay napapatungkol sa
isang caregiver at ang pinagdadaanan o
naging trabaho niya sa ibang bansa. Isa sa mga natutunan ko sa akdang ito na
para doon sa mga pamilya na may kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Dapat huwag basta-bastang magwaldas ng pera hindi porket may kamag-anak na
nagtatrabaho sa ibang bansa. Bilang isang pamilya na may kamag-anak na
nagtatrabaho sa ibang bansa. Dapat laging isipin ang kanilang hirap na
pinagdaraanan sa ibang bansa. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang
ekspresyonismo ito ay nangangahulugang walang pagkabahala na ipinahayag ng
manunulat ang kanyang nadarama.
Reaksyon:
Ako ay naawa para sa kamag-anak na
nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa hirap na kanyang pinagdaraanan sa kanyang
trabaho. Alam kong para sa mga pamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi
madali ang mawalay sa kanilang pamilya. Titiisin ang lungkot at pagod para lang
sa pamilya. Masasabi ko ring napakaganda ng akdang ito at maaring maging
inspirasyon para sa lahat ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa at maging para sa
mga pamilya na may kamag-anak sa ibang bansa.
Teoryang Markismo
Sandaang Damit
Ni: Fanny A. Garcia
Natutunan:
Natutunan ko mula sa kwento ang mga
salitang ipinagkit na ang ibig sabihin
ay nakadikit sa upuan. Ang salitang paanas
na ang ibig sabihin naman ay ibulong. Ang kweto ring ito ay napapatungkol
sa batang nagsisinungaling na mayroon siyang sandaang damit para lamang
matanggap ng marami. Mula sa kwento, dapat huwag manlait o manukso sa iba.
Dahil ang lahat ay pantay-pantay lamang sa mata ng Panginoon. Ang akdang ito ay
ibinilang din sa teoryang markismo na nagpapakita ng kakayahan ng tao na
umangat sa buhay.
Reaksyon:
Ang akdang ito ay natalakay na sa
unang talakayan. Kaya sa tingin ko hindi ito napabilang sa teoryang markismo
dahil iniangat ng tauhan ang kanyang buhay sa hindi magandang paraan. Sapagkat
siya ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase para lang tanggapin ng
nakararami. Ito ay mas napabibilang sa teoryang formalistiko dahil pormal na
inilahad ng may akda ang mga pangyayari sa kwento. Subalit, maari ring maging
teoryang sikolohikal dahil ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behaviour
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. Kagaya ng sa kwento dahil sa mga
panlalait ito ang nag-udyok sa bata na magbago.
Teoryang Feminismo
Nanay Masang sa Calabarzon
Ni: Sol F. Juvida
Natutunan :
Ang salitang Calabarzon ay pinaikling lalawigan ng
Cavite, Laguna, Batanggas, Rizal at Quezon. Ang proyektong Calabarzon ay kasama
sa sampung taong pambansang programa sa industrilisasyon na may badyet na 19.3
bilyong piso. Ang akdang ito ay natutungkol sa isang sakahang gustong kunin o
kamkamin ng gobyerno. Isa
rin sa mga natutunan ko na dapat matutong lumaban para sa karapatan. Ito ay napabilang sa teoryang feminismo na ang
kababaihan ang pinakasentro. Dahil ang kwentong ito ay pinangungunahan ng mga
babaeng tauhan. Isa sa mga paborito kong linya na mayroon din akong natutunan
ay ang sinabing “sa bala madali kang mamamatay pero sa gutom unti-unti kang
pinapatay”.
Reaksyon:
Mula sa akda masasabi kong napakatapang ng tauhang si
nanay Masang. Dahil kanyang ipinaglalaban ang kanilang karapatan para sa
sakahan. Hindi naman siguro tama na basta-basta nalang kunin ng gobyerno ang
kanilang pinaghirapan at inaalagaan ng matagal na panahon. Mayroon parin silang
karapatan sa sakahan kahit sabihin pa nating pagmamay-ari ito ng gobyerno. Kaya
kahit babae ka pwede mo paring ipaglaban ang iyong karapatan kung nararapat o
karapat dapat na ipaglaban.
Teoryang Bayograpikal
Mga Ala-ala ng Isang
Mag-aaral sa Maynila
Ni : P. Jacinto
Natutunan :
Napag-alaman ko sa akdang ito ang
mga salitang haraya na ang ibig
sabihin ay ilusyon o imahinasyon. Lango
na nangangahulugang lasing. Ang akdang ito ay napapatungkol sa buhay ng isang
tao o mga pangyayari sa buhay niya. Ito ay ang talaarawan sa buhay ni Dr. Jose
Rizal. Natuklasan ko rin na may tatlong pangngalan ng hayop ang ipinangalan kay
Dr. Rizal ito ay ang : Draco Rizali, Rachophorous Rizali, at Apogonia
Rizali. Batay sa akdang ito napagtanto ko na kung mahal mo talaga ang isang tao
siguro dapat mo nalang siyang pakawalan para sa ikabubuti niya. Dahil sa akdang
ito ay pinag-usapan din ang buhay pag-ibig ni Dr. Jose Rizal. Ang akdang ito ay
napabilang sa teoryang bayograpikal na natutungkol sa mahahalagang pangyayari
sa buhay ng may-akda.
Reaksyon :
Napakaganda ng talaarawan ng buhay
ni Dr. Jose Rizal dahil marami kang matutuklasan mula sa buhay ng kinikilala
nating pambansang bayani ngayon. Mula sa talaarawan ng kaniyang buhay marami
kang makukuhang impormasyon. Masasabi kong ang akda ring ito ay malaki ang
maitutulong para sa mga mag-aaral o maging sa mga kapwa Pilipino. Dahil sa
akdang ito, marami akong natuklasan o nalaman pa sa buhay ni Dr. Jose Rizal
lalung-lalo na sa kanyang buhay pag-ibig na inaakala mong sa pelikula mo lang
makikita pero mangyayari rin pala sa totoong buhay at sa buhay pa ng ating
bayaning si Rizal.
Teoryang Imahinismo
Relis sa Tiyan ni Tatay
Ni : Eugene Y. Vasco
Natutunan :
Ang kwentong ito ay isinulat ni
Eugene Y. Vasco at iginuhit ni Aldy Aguirre. Inilimbag ito ng Lampara Publishing House, Inc. 2013
sa ilalim ng seryeng Mga Premyadong Pambata.Ito ay natutungkol sa isang buhay
ng ama na ibinigay ang isang bato para matawid ang buhay ng kanyang mag-anak.Mula
sa kwento na kahit pa alam ng ama na delikado ang kanyang ginawang pagbibinta
ng kanyang bato pero ginawa niya parin ito para sa kanyang pamilya lalo nang
may sakit pala noon ang kanyang anak. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang
imahinismo na ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay nagpapakita
lamang ng tunay na pagmamahal ng isang ama para sa kanyang pamilya. Subalit
para sa akin ang kanyang ginawang pagbibinta ng kanyang bato para sa kanyang
pamilya ay sadyang napakadelikado. Dahil maraming posibleng mangyari. Maaaring
pumalpak ang operasyon at siya mismo ay malagutan ng hininga. Marami namang
pweding maging solusyon sa kanilang problema kaya lang ito ang naisipang paraan
ng ama ng bata. Pero masasabi ko ring ang akdang ito ay napakaganda at
napakainspirado para sa mga amang nagsasakripisyo at tunay nagmamahal sa
kanilang pamilya.
Teoryang Romantisismo
Saying na Sayang
(walang awtor)
Natutunan:
Sa akdang ito natutunan ko ang mga
salitang kimi na ang ibig sabihin ay
mararamdamin. Ang mayumi na ang ibig
sabihin naman ay mahinhin. Ang salitang
kalatas na ang ibig sabihin ay salita. Ang kwentong ito ay napapatungkol sa
dalawang nag-iibigan subalit hindi parin nagkatuluyan sa bandang huli. Dahil
ang babae ay mayroon nang asawa at ang lalaki pala’y tanging siya parin ang
mahal. Pero sa kasamaang palad ay huli na ang lahat dahil hindi na sila pweding
magsama muli sapagkat mayroon nang pamilya ang babae. Ang kwentong ito ay
napabilang sa teoryang romantisismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas
ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Isa rin sa pananaw sa teoryang ito ay ang
pagpapahalaga sa damdamin ng ibang tao.
Reaksyon :
Napakaganda ng akdang ito para sa mga taong
nagmamahal. Dahil marami kang matututunan at makukuha ring mga aral. Tama ang
may akda na dapat matuto tayong maghintay sa tamang pagkakataon para sa mga
taong mahal natin. Subalit ang tanging problema rin ay nawalan sila ng
komunikasyon sa isa’t isa. Pero hindi rin nakapaghintay ang babae kaya may
halong pagsisisi sa kanyang nadarama. Napakalungkot para sa akin dahil ang
kanilang binuong pagmamahalan ay nagkaroon ng hindi magandang katapusan dahil
hindi pa rin sila nagkatuluyan. Napagtanto ko rin sa akdang ito na kung mahal
mo ang isang tao dapat ipagmalaban mo. Ipaglaban mo hangga’t kaya mo at
ipaglaban mo kung sa tingin mo ay tama.