Huwebes, Nobyembre 23, 2017

Ganting Galaw sa Teoryang Pampanitikan



Teoryang Queer

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

Ni: Noel Lapuz




Natutunan:

            Sa kwentong ito ay mahihinuha mo ang mga totoong nangyayari ngayon sa ating lipunan. Kung saan laganap na rito ang tinatawag nating diskriminasyon lalung-lalo na sa mga homosexuals. Mahalagang respetuhin ang kapwa. Huawag gawing basihan ang pisikal na anyo tingnan ang nasa kalooban ng tao. Ang lahat ay sadyang pantay-pantay lang. dahil ang bawat isa ay mayroong karapatan. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang queer. Layunin ng panitikang ito na isulong ang pagkakapantay-pantay ng karapatan at labanan ang diskriminasyon sa mga LGBT o yung mga napabilang sa ikatlong kasarian tulad ng bakla at tomboy.


Reaksyon:

            Sa akdang ito, masasabi kong napakaganda. Dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga homosexuals na sila’y mabigyang pansin. Para naman na maipabatid sa lahat  na dapat ay pantay-pantay lang. Sa kabila ng pagkakaiba ng kasarian o maski sa pinipiling buhay at tinatahak na landas. Dahil para sa akin, kahit ano ka pa basta wala ka lang tinatapakang tao. Ikaw ay nararapat na bigyang karapatan at maging pantay ang pagtingin sayo sa lipunang iyong kinabibilangan.




Teoryang Klasisismo

Ang Tondo Man May Langit

Ni: Andres Cristobal Cruz





Natutunan:

            Natutunan ko sa kwentong ito ang mga salitang pagtatalusirang na ang ibig sabihin ay pagsira o ang hindi pagtupad sa pangako. Kasiphayuan na ang ibig sabihin naman ay pagtrato nang may pang-aalipusta at pang-aapi. Paguulyaw na nangangahulugang alingawngaw, pag-ulit ng tunog bunga ng pagtalbog ng tunog. Ang kwentong ito ay napapatungkol sa dalawang nagiibigan subalit magkaiba ang kanilang estado sa buhay. Ipinakita ditto ang pag-ibig na ipinaglalaban ng dalawang nagmamahalan sa kabila ng mga hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang klasisismo na ang layunin ng panitikan na ito ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buahay ng dalawang nagiibigan.


Reaksyon:

            Mula sa kwento ay masasabing ang mga pangyayaring ito ay nangyayari rin sa totoong buhay. Kagaya nga lamang ng dalawang nagiibigan subalit mayroong mga balakid o hadlang sa kanilang namumuong pagmamahalan. Dahil sa magkaiba ang kanilang pinanggalingan o ang kanilang estado sa buhay. Tama lang na mapabilang ang akadang ito sa teoryang klasisimo dahil pinag-uusapan dito ang estado sa buhay ng dalawang nagmamahalan. Para sa akin, napakaganda ng kwentong ito na napabilang sa teoryang klasisismo.



Teoryang Naturalismo

Walang Panginoon

Ni : Deogracias Rosario






Natutunan :

            Napag-alaman ko sa akdang ito na ang kahulugan ng salitang animas ay tunog ng kampana. Ang salitang ningas ay nangangahulugang alab-apoy. Habang ang nagsimpan naman ay nanganagahulugang umamin. Panghuli, ang salitang batingaw na ang ibig sabihin ay kampana. Isa rin sa natutunan ko sa akdang ito na dapat huwag ipasakamay natin ang batas. Dahil kahit kalian hindi maganda ang maghiganti sa taong nagkasala sayo. Mahalaga ring maging pantay ang pagtingin mo sa lahat kahit mahirap man o mayaman. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang naturalismo na nagtataglay ng pinakamasidhing katangian ng teoryang realismo.


Reaksyon:

            Ang akdang “Walang Panginoon” ni Deogracias Rosario ay maituturing kong napabilang nga talaga ito sa teoryang naturalism. Dahil sa ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin. Mula sa kwento masasalamin natin ang maraming bagay kagaya ng pag-ibig, pagkapoot at maging hindi pantay na pagtingin sa kapwa. Hindi rin maganda ang ipinakitang pag-uugali ng tauhan na si Don Teong na siya ang nagging dahilan sa pagkamatay ng kanyang anak na si Anita na iniibig ni Marcos. Subalit hindi rin maganda ang ginawang paghihiganti ni Marcos ito ay sana’y ipinaubaya nalang niya ang lahat sa Diyos.



Teoryang Arkitaypal

Gapo

Ni : Lualhati Baustista






Natutunan :

            Ang salitang "Gapo" ay nagmula sa pinaliit na salitang Olonggapo. Isa sa mga salitang natutunan ko rito ay ang salitang yardbird na nangangahulugang patay-gutom. Ito ang tawag ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino noon. Sa kwentong ito ipinapahiwatig dito na dapat kahit sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kulay o lahi ng bawat isa ay nararapat paring respetuhin ang isang tao. Hindi porket siya ay naiiba sa kulay mo. Pero masasabi ko ring kahit pa anong kasalanan o ang pagkakasala sayo ng isang tao. Dapat pa rin ay hindi tayo pumatay o kumitil ng buhay sa kabila ng atig matinding galit. Ang kwentong ito ay napabilang sa teoryang arkitaypal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang lahat ng simbolismo ay naayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.


Reaksyon:

            Napagtanto ko sa akdang ito na dapat iwasan ang diskriminasyon sa bawat lahi. Dahil ipinapakita sa akda na parang minamaliit lamang ng mga putting lahi ang mga taong kayumanggi. Para naman sa katauhan ni Magda ay dapat hindi siya kumakapit sa patalim para maging isang babaeng bayaran lang. Dahil kung tutuusin maraming posibleng paraan kung ating talagang gugustuhin. Kung ayaw may dahilan, kung gusto parating mayroong paraan. Sa kwentong ito, hindi ko nagustuhan ang pag-uugali ng mga sundalong Amerikano na kanilang ipinakita sa mga Pilipino. Maging sa pag-uugali ni Magda hindi ko rin ito nagustuhan at sa mga ipinakita ng mga Amerikano noon ako ay parang nalungkot para sa mga Pilipinong nakaranas ng ganoong pang-aapi mula sa mga dayuhan.



Teoryang Formalistko

Sandaang Damit

Ni : Fanny A. Garcia






Natutunan:

            Ang kwentong ito ay napapatungkol sa batang mayroong sandaang damit pero ang lahat ng iyon ay pawang mga larawan o iginuhit lamang pala. Mula sa kwento makakapulot ka ng maraming aral. Kagaya na lamang ng hindi maganda ang panunukso sa kapwa dahil nakakasakit ito sa iba. Hindi natin alam nab aka sila ay naaapektuhan na pala. Huwag ding magsinungaling dahil kahit kalian hindi ito maganda. Kahit anong estado natin sa buhay matuto tayong makontento at tanggapin kung anong mayroon tayo. Sa madaling salita, magpakatutuo ka sa sarili mo. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang formalistiko dahil ang layunin ng panitikan na iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit ng malalimang pagsusuri’t pag-unawa.


Reaksyon:

            Ang masasabi ko sa akdang ito na ang lahat nga ng mga pangyayari ay naayon sa teoryang formalistiko. Dahil pormal o diretsong inilahad ng may akda ang mga pangyayari o ang bawat nagaganap sa kwento. Batay naman sa kwento, ito ay sadyang mapupulutan mo talaga ng mga magagandang-aral. Ang kwentong ito ay hindi lamang para sa mga bata dahil tila isa itong kwentong pambata na pinagbibidahan ng isang batang tauhan. Ito rin ay maaring para sa mga nakakanda dahil ito naghahatid ng isang magandang-aral para sa mga mambabasa. Ito ay nagpapakita ng isang asal ng isang batang naapektuhan dahil sa kanyang mga kaklase o sa mga tao sa kanyang paligid at naging dahilan kung bakit siya nagsinungaling. Masasabi kong ang akdang ito ay napakandang kunan ng mga aral na ipabatid o ituro sa mga bata at maging mga nakakatanda.




Teoryang Humanismo

Paalam sa Pagkabata

Ni : Nazareno D. Bas







Natutunan :

            Ito ay napapatungkol sa batang maraming katanungan sa buhay. Kagaya na lamang ng kanyang mga nakikita at nararanasan sa sariling buhay. Ang bata rin sa kwento ay sadyang hindi trinato ng maayos ng kanyang kinikilalang ama. Dahil anak lamang siya sa labas o ng kanyang ina sa ibang lalaki. Mula rin sa kwento, dapat maging tapat ka sa inyong asawa at maging maingat para hindi ka magkasala. Huwag ding saktan ang iyong kabiyak sa buhay o ang iyong asawa. Ang kwentong ito ay napapabilang sa teoryang humanismo na napapatungkol sa pagbibigay halaga sa dignidad ng tao.


Reaksyon:

            Batay sa mga pangyayari sa kwento masasalamin natin sa totoong buhay na may mga kabataan ding hindi trinato ng maayos ng kanilang mga magulang. Sapagkat, sila lamang ay anak sa labas. Kagaya na lamang ng nasa kwento ito ay bunga ng pagkakasala at pagkakamali ng kanyang ina. Pero sa totoo lang, kahit anong pagkakasala pa ng tao sayo. Dapat matuto tayong magpatawad at tanggapin ang katotohanan kahit minsan masakit. Masasabi kong sa kwento ay nagkasala nga naman ang asawa pero dapat siya ay mapatawad din ng kanyang asawa at dapat hindi rin inilihim ng ina sa kanyang anak ang katotohanan o mga totoong pangyayari.



Teoryang Ekspresyonismo

Caregiver

Ni : Chito S. Ronio







Natutunan:

            Ang kwentong ito ay napapatungkol sa isang caregiver at ang pinagdadaanan o naging trabaho niya sa ibang bansa. Isa sa mga natutunan ko sa akdang ito na para doon sa mga pamilya na may kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Dapat huwag basta-bastang magwaldas ng pera hindi porket may kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Bilang isang pamilya na may kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Dapat laging isipin ang kanilang hirap na pinagdaraanan sa ibang bansa. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang ekspresyonismo ito ay nangangahulugang walang pagkabahala na ipinahayag ng manunulat ang kanyang nadarama.


Reaksyon:

            Ako ay naawa para sa kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa hirap na kanyang pinagdaraanan sa kanyang trabaho. Alam kong para sa mga pamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi madali ang mawalay sa kanilang pamilya. Titiisin ang lungkot at pagod para lang sa pamilya. Masasabi ko ring napakaganda ng akdang ito at maaring maging inspirasyon para sa lahat ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa at maging para sa mga pamilya na may kamag-anak sa ibang bansa.



Teoryang Markismo

Sandaang Damit

Ni: Fanny A. Garcia







Natutunan:

            Natutunan ko mula sa kwento ang mga salitang ipinagkit na ang ibig sabihin ay nakadikit sa upuan. Ang salitang paanas na ang ibig sabihin naman ay ibulong. Ang kweto ring ito ay napapatungkol sa batang nagsisinungaling na mayroon siyang sandaang damit para lamang matanggap ng marami. Mula sa kwento, dapat huwag manlait o manukso sa iba. Dahil ang lahat ay pantay-pantay lamang sa mata ng Panginoon. Ang akdang ito ay ibinilang din sa teoryang markismo na nagpapakita ng kakayahan ng tao na umangat sa buhay.


Reaksyon:

            Ang akdang ito ay natalakay na sa unang talakayan. Kaya sa tingin ko hindi ito napabilang sa teoryang markismo dahil iniangat ng tauhan ang kanyang buhay sa hindi magandang paraan. Sapagkat siya ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase para lang tanggapin ng nakararami. Ito ay mas napabibilang sa teoryang formalistiko dahil pormal na inilahad ng may akda ang mga pangyayari sa kwento. Subalit, maari ring maging teoryang sikolohikal dahil ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behaviour dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. Kagaya ng sa kwento dahil sa mga panlalait ito ang nag-udyok sa bata na magbago.



Teoryang Feminismo

Nanay Masang sa Calabarzon

Ni: Sol F. Juvida








Natutunan :

            Ang salitang Calabarzon ay pinaikling lalawigan ng Cavite, Laguna, Batanggas, Rizal at Quezon. Ang proyektong Calabarzon ay kasama sa sampung taong pambansang programa sa industrilisasyon na may badyet na 19.3 bilyong piso. Ang akdang ito ay natutungkol sa isang sakahang gustong kunin o kamkamin ng gobyerno. Isa rin sa mga natutunan ko na dapat matutong lumaban para sa karapatan. Ito ay napabilang sa teoryang feminismo na ang kababaihan ang pinakasentro. Dahil ang kwentong ito ay pinangungunahan ng mga babaeng tauhan. Isa sa mga paborito kong linya na mayroon din akong natutunan ay ang sinabing “sa bala madali kang mamamatay pero sa gutom unti-unti kang pinapatay”.


Reaksyon:
            Mula sa akda masasabi kong napakatapang ng tauhang si nanay Masang. Dahil kanyang ipinaglalaban ang kanilang karapatan para sa sakahan. Hindi naman siguro tama na basta-basta nalang kunin ng gobyerno ang kanilang pinaghirapan at inaalagaan ng matagal na panahon. Mayroon parin silang karapatan sa sakahan kahit sabihin pa nating pagmamay-ari ito ng gobyerno. Kaya kahit babae ka pwede mo paring ipaglaban ang iyong karapatan kung nararapat o karapat dapat na ipaglaban.



Teoryang Bayograpikal

Mga Ala-ala ng Isang Mag-aaral sa Maynila

Ni : P. Jacinto








Natutunan :

            Napag-alaman ko sa akdang ito ang mga salitang haraya na ang ibig sabihin ay ilusyon o imahinasyon. Lango na nangangahulugang lasing. Ang akdang ito ay napapatungkol sa buhay ng isang tao o mga pangyayari sa buhay niya. Ito ay ang talaarawan sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Natuklasan ko rin na may tatlong pangngalan ng hayop ang ipinangalan kay Dr. Rizal ito ay ang : Draco Rizali, Rachophorous Rizali, at Apogonia Rizali. Batay sa akdang ito napagtanto ko na kung mahal mo talaga ang isang tao siguro dapat mo nalang siyang pakawalan para sa ikabubuti niya. Dahil sa akdang ito ay pinag-usapan din ang buhay pag-ibig ni Dr. Jose Rizal. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang bayograpikal na natutungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng may-akda.


Reaksyon :

            Napakaganda ng talaarawan ng buhay ni Dr. Jose Rizal dahil marami kang matutuklasan mula sa buhay ng kinikilala nating pambansang bayani ngayon. Mula sa talaarawan ng kaniyang buhay marami kang makukuhang impormasyon. Masasabi kong ang akda ring ito ay malaki ang maitutulong para sa mga mag-aaral o maging sa mga kapwa Pilipino. Dahil sa akdang ito, marami akong natuklasan o nalaman pa sa buhay ni Dr. Jose Rizal lalung-lalo na sa kanyang buhay pag-ibig na inaakala mong sa pelikula mo lang makikita pero mangyayari rin pala sa totoong buhay at sa buhay pa ng ating bayaning si Rizal.



Teoryang Imahinismo

Relis sa Tiyan ni Tatay

Ni : Eugene Y. Vasco









Natutunan :

            Ang kwentong ito ay isinulat ni Eugene Y. Vasco at iginuhit ni Aldy Aguirre. Inilimbag ito ng Lampara Publishing House, Inc. 2013 sa ilalim ng seryeng Mga Premyadong Pambata.Ito ay natutungkol sa isang buhay ng ama na ibinigay ang isang bato para matawid ang buhay ng kanyang mag-anak.Mula sa kwento na kahit pa alam ng ama na delikado ang kanyang ginawang pagbibinta ng kanyang bato pero ginawa niya parin ito para sa kanyang pamilya lalo nang may sakit pala noon ang kanyang anak. Ang akdang ito ay napabilang sa teoryang imahinismo na ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.


Reaksyon:

            Ang kwentong ito ay nagpapakita lamang ng tunay na pagmamahal ng isang ama para sa kanyang pamilya. Subalit para sa akin ang kanyang ginawang pagbibinta ng kanyang bato para sa kanyang pamilya ay sadyang napakadelikado. Dahil maraming posibleng mangyari. Maaaring pumalpak ang operasyon at siya mismo ay malagutan ng hininga. Marami namang pweding maging solusyon sa kanilang problema kaya lang ito ang naisipang paraan ng ama ng bata. Pero masasabi ko ring ang akdang ito ay napakaganda at napakainspirado para sa mga amang nagsasakripisyo at tunay nagmamahal sa kanilang pamilya.



Teoryang Romantisismo

Saying na Sayang

(walang awtor)







Natutunan:

            Sa akdang ito natutunan ko ang mga salitang kimi na ang ibig sabihin ay mararamdamin. Ang mayumi na ang ibig sabihin naman ay mahinhin. Ang salitang kalatas na ang ibig sabihin ay salita. Ang kwentong ito ay napapatungkol sa dalawang nag-iibigan subalit hindi parin nagkatuluyan sa bandang huli. Dahil ang babae ay mayroon nang asawa at ang lalaki pala’y tanging siya parin ang mahal. Pero sa kasamaang palad ay huli na ang lahat dahil hindi na sila pweding magsama muli sapagkat mayroon nang pamilya ang babae. Ang kwentong ito ay napabilang sa teoryang romantisismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Isa rin sa pananaw sa teoryang ito ay ang pagpapahalaga sa damdamin ng ibang tao.


Reaksyon :


            Napakaganda ng akdang ito para sa mga taong nagmamahal. Dahil marami kang matututunan at makukuha ring mga aral. Tama ang may akda na dapat matuto tayong maghintay sa tamang pagkakataon para sa mga taong mahal natin. Subalit ang tanging problema rin ay nawalan sila ng komunikasyon sa isa’t isa. Pero hindi rin nakapaghintay ang babae kaya may halong pagsisisi sa kanyang nadarama. Napakalungkot para sa akin dahil ang kanilang binuong pagmamahalan ay nagkaroon ng hindi magandang katapusan dahil hindi pa rin sila nagkatuluyan. Napagtanto ko rin sa akdang ito na kung mahal mo ang isang tao dapat ipagmalaban mo. Ipaglaban mo hangga’t kaya mo at ipaglaban mo kung sa tingin mo ay tama. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento